Activity 4


- Tama o Mali Directions: Unawain ang sumusunod pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang ipinapahayag ay wasto at MALI kung ito ay hindi wasto.

1. Mabilis ang kilos ng mga tao sa siyudad dahil nagmamadali silang pumasok sa kanilang mga trabaho.

2. Angkop sa kapatagan ang pangingisda bilang hanapbuhay.

3. Makapal ang kasuotan ng mga tao sa ilang bahagi ng mga lalawigan na nasa mataas dahil malamig sa kanilang lugar.

4. Ang pag-aalaga ng hayop ang maaaring pagkakitaan ng mga taong nasa matubig na lugar.

5. Sa lugar na maaraw at mainit, manipis at maluluwang ang kanilang mga damit.

6. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa mabagyong lugar.

7. Karaniwang yari sa kogon at kawayan ang mga bahay sa bulubunduking lugar.

8. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng lugar.

9. Ang hanapbuhay pati na tirahan, kasuotan, at gawain ay nakaiimpluwensiya sa pamummuhay ng mga tao.


10. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamummuhay ng mga tao sa isang lugar.​