Tama o Mali: isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay Tama at Mall kung ang pangungusap ay Mali. 1. Makakamit ang intelektwal na birtud kapag pinaunlad ng tao ang kanyang damdamin 2. Ang moral na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao. 3. Ang dalawang uri ng birtud ay Moral at Intensyonal. 4. Nauunawaan ng tao ang kanyang pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang isip. 5. Ang pagtitimpi ay birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang pagsubok at problema 6. Hindi kinain ni Mang Nestor ang leche plan na bigay ng kanyang kapit-bahay kahit ito ay kanyang paborito dahil mayroon siyang sakit na diabetes. Si Mang Nestor ay nagpakita ng birtud na pagtitimpi. 7. Nasunugan ang pamilya Niebres at walang natira ni isa sa kanilang mga gamit. Sa kabila nito ay di sila nawalan ng pag-asa. Nagtulong tulong sila upang magkaroon muli ng bahay at mga kagamitan. Ang pamilyang ito ay nagpakita ng katatagan. 8. Ang katarungan ay uri ng moral na birtud. 9. Ang Maingat na Paghuhusga ay parehong moral at intelektwal na birtud. 10. Ang birtud ay mabuting kilos na ginagawa ng tao upang maisakatuparan ang kanyang pinapahalagahan​