1. Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. a. ponemang suprasegmental b. ponemang segmental c. ponema d. morpema 2. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. a. antala b. diin c. haba d. tono 3. Ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, kung gayun ilang pantig ang bumubuo sa salitang MAYAMAN? a. 1 b. 2 c. 3 d. 4 4. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. a. antala b. diin c. haba d. tono