Answer:
Epekto ng Globalisasyon:
1. Nagkaroon at nabuksan ang proseso ng malayang kalakalan sa buong mundo.
2. Lumawak o napabilis ang pagbabago ng teknolohiya na nakatulong upang higit na mapadali ang ating komunikasyon, transportasyon, at pagkakaroon ng interaksyon sa iba't ibang panig ng mundo.
3. Dahil sa globalisasyon, lumaki ang oportunidad upang magkaroon ng trabaho't pagkakakitaan.
Aking Saloobin:
1. Sa panahon ngayon, ramdam na ramdam ang naging epekto ng globalisasyon sa kalakalan ng bawat bansa. Napabilis nito ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng bawat nasyon.
2. Bilang kasama sa tinatawag na "technology generation", malaking kapakinabangan sa atin ang naging dulot ng globalisasyon sa teknolohiya. Dahil sa pag-unlad nito, mas napadali ang ating pamumuhay. Lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, lubhang nakatutulong para sa amin ng mga kapwa ko estudyante ang mabilis na access sa internet upang higit na matutuhan ang aming mga lessons.
3. Hindi gaya ng mga naunang panahon, higit na marami at malaki ang bilang ng mga trabaho na mapapasukan o mapagkakakitaan ng mga tao.