Sagot :
Answer:
URI NG ESPANYOL SA PILIPINAS
Ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas ay Creole o Insulares.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan. Ang mga Espanyol sa panahon ng pananakop sa Pilipinas ay nauuri sa dalawang pangkat:
ang mga Peninsulares at
mga Insulares
INSULARES
ang mga insulares ay ang isa sa uri ng mga Espanyol na mas mababa sa peninsulares
ang mga insulares ay mga dugong Espanyol parin ngunit ipinanganak sa mga bansang nasakop ng Espanya tulad ng Pilipinas.
Ibig sabihin mga anak ng mag-asawang Espanyol ay ang mga insulares
Ang mga insulares na nakapag-asawa ng mga Pilipino, ang anak nila ay tinatawag na mestizo
Sa tradisyon, ang mga insulares ay nagtatamasa ng mga posisyon sa gobyerno at simbahan. Ngunit sa pagbabago na nagaganap sa ekonomiya at kapangyarihan ay naging kapitalistang mga negosyante.
PENINSULARES
ang peninsulares ang pinakamataas na antas o class sa caste system sa panahon ng Espanyol
tumatamasa ang mga peninsulares sa mga matataas na posisyon sa gobyerno at simbahan
may purong dugo ng Espanyol na isinilang sa Espanya
karaniwan silang binibigyan ng malalaking pabor at malalawak na lupain
sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas at iba pang matataas na posisyon ay pinamumunuan ng peninsulares.
Explanation: