Naging daan ng mga pagbabagong pang-edukasyon na ipinakilala ng mga Espanyol ang kautusan ni Haring Carlos V ng Spain noong Hulyo 17, 1550. Ayon sa naturang kautusan, V kinakailangang turuan ng wikang Espanyol ang lahat ng mga mamamayan sa mga kolonya ng Espanya. Kaugnay nito, ang mga misyonero ang nanguna upang hindi lamang wika ang matutuhan ng mga Pilipino kundi maging relihiyon at uri ng pamumuhay ng mga Espanyol. Paaralang pamparokya ang unang paaralang itinayo ng mga ordeng panrelihiyon, kung saan itinuturo ang mga asignaturang tulad ng relihiyon, wikang Spanish, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining, at mga pangkabuhayan. Sumunod na ipinatayo ang kolehiyo para sa kalalakihan. Itinuro ditto ang mga wikang Spanish, Greek, at Latin, pilosopiya, matematika, agham, at sining. Nagtayo rin ng kolehiyo sa kababaihan na naglalayon na ihanda sa pag-aasawa o sa pagpasok sa kumbento ang kababaihan. Kabilang sa mga asignaturang itinuro dito ang kagandahang-asal, musika, pananahi, at pag-aayos ng tahanan. May mga paaralan ding ipininatayo upang magturo ng edukasyong bokasyonal. Dito itinuro ang mga kasanayan tulad ng sa agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero, at pagkukulay ng tela.
TIPIKAL NA GAWAIN SA PAARALAN
Inilalarawan ni Padre Juan Francisco de Antonio ang mga pang-araw-araw na gawain ng mga Pransiskano sa pagtuturo ng mga gawaing panrelihiyon. Ayon sa kaniya, sa pagtunog ng kampana, ang lahat ng batang mag-aaral ay nagtitipon-tipon sa simabahan. Sa pangunguna ng koro, await sila ng Te Deum, na nagtatapos sa isang panalangin at pag-awit ng papuri sa Mahal na Birhen. Pagkatapos, isinasagawa ang misa na sinusundan ng pagrorosaryo ng mga batang lalaki. Pagkagaling sa simbahan, nagtutungo na sa paaralan ang mga mag-aaral. Doon ipinagpapatuloy ang pagtuturo ng mga dasal at katesismo. Dalawang tunog ng kampana ang hudyat ng kalahating araw ng pag-aaral. Umuuwi ang mga bata sa kani-kanilang bahay at bumabalik pagsapit ng ikalawa ng hapon para sa isa pang klase.
SUBUKIN NATIN: 1.
Sang-ayon ka ba sa sistema ng edukasyon na ibinahagi ng mga Espanyol sa kolonyang nasasakupan nito? Ihambing ito sa kasalukuyang sistema. 2. Bakit pinangunahan ng mga misyonero ang pagtuturo ng wikang Espanyol? 3. Sa iyong palagay, naging kapaki-pakinabang ba ng uri ng ng edukasyon na ibinahagi ng mga Espanyol? Bakit?