Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto at magbigay ng isang sitwasyong magpapaliwanag sa bawat isa.

1. Ekwilibriyong sa Pamilihan
2. Shortage o Kakulangan
3. Surplus o Kalabisan
4. Price Floor
5. Price Ceiling​


Sagot :

Answer:

Ekwilibriyo sa Pamilihan

Isangkalagayansapamilihannaangdaming handaat kanyangbilhingproduktoo serbisyong mgakonsyumerat anghandaat kayangipagbilingproduktoat serbisyong mgaprodyuseray parehoayonsaprewsyongkanilangpinagkasunduan.

Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyong konsyumer at prodyuser.

Ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.

Shortage o Kakulangan

Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahil sa bagyo, peste, El Nino, at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng bigas sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito.

Surplus o Kalabisan

ang pamahalaan ay maaaring makaranas ng surplus kung mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded

Price floor

Ang price floor ay ang pamamaraan ng pamahalaan upang makontrol ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.

Ang pagtatakda ng price floor na ito ay isinasagawa upang matulungan ang mga prodyuser na matustusan nila ang mga ginastos sa aspetong produksyon gayundin ang kanilang mga pangangailangan.

Price Ceiling

Ang price ceiling ay ang legal na limitasyon ng huling pinakamataas na presyo na ipinapataw sa isang produkto o di naman kaya ay ng serbisyo ng mga prodyuser o nagtitinda para sa mga indibidwal na tumatangkilik nito.

Ang pagkakaroon ng price ceiling o paglilimita sa presyo ng isang bilihin ay maaaring mula sa kautusan ng pamahalaan o hindi naman kaya ay ng isang ahensiya na may sakop ng aseptong ito.