Sagot :
Answer:
- Mataas na antas ng kaalaman at kagalingan sa wastong paggamit ng balarila o gramatika – Ang akademikong pagsulat ay nangangailangang sumunod sa mga naitatalang mga tuntunin sa paggamit ng wika at gramatika. Ito ay kinikilala bilang isang mataas na uri ng pagsulat at ito ay nagbibigay ng mataas na uri ng impormasyon, kaya nararapat lamang na ang indibidwal na sumusulat nito ay may karampatang kasanayan sa paggamit ng perpektong gramatika.
- Marunong makinig ng tamang impormasyon – Mainam kung ang indibidwal ay magaling sa pagsulat, subalit mas mainam kung siya ay mayroon ding kakayahang makinig kung ano ang nais malaman ng mga mambabasa. Makakabuti rin kung marunong siyang makinig kung ano ang mga tunay na impormasyon tungkol sa kanyang sinusulat upang maiwasan ang mga pagkakamali at ang malimit na pagbabago ng mga akda.
- Ang magaling na akademikong manunulat ay tapat at maaasahan – Kadalasan sa akademikong pagsulat ay nakakasalamuha ng mga manunulat ang iba’t-ibang mga tao na siyang pinagkukunan niya ng impormasyon. Madalas dito ay ang mga pag-uusap tungkol sa kung saan, papaano, at kalian makukuha ang impormasyon. Nararapat lamang na marunong sumunod sa usapan ang manunulat upang hindi masayang ang oras ng kanyang mga pinagkukunan ng impormasyon at nang mayroon pang maganap na pakikipagtulungan sa mga susunod pang gawain.
- Iwasan ang plagyarismo – Maaaring maituring na isa sa mga pinakamalaking kasalanan ng mga manunulat ang plagyarismo. Ito ay tinuturing na maling gawain sa lahat ng aspeto at ito ay kinokonsiderang pagnanakaw sa ideya, konsepto, at gawa ng iba. Kaya naman, pinakainiiwasan ng mga manunulat na makagawa ng kamaliang ito. Ang magaling na akademikong manunulat ay gagawin ang lahat upang ang kanyang akda ay orihinal, o hindi kaya ay may tamang pagkikila o citation sa kung sinuman ang unang nakalikha ng kaparehong akda o konsepto.
Explanation: