Answer:
Noong 1902, sinimulan ni Ibn Saud ang pagbawi ng mga lupaing dating pag-aari ng kanyang mag-anak. Kinuha niya ang Riyadh sa pamamagitan ng dalawang daang mga kalalakihang mandirigma, kasama ang teritoryong nasa paligid ng Riyadh. Noong 1913, inagaw niya mula sa mga Turko ang dalampasigan ng Gulpong Persa na nasa pagitan ng Qatar at Kuwait. Noong 1922, naging Sulta ng Nejd si Ibn Saud dahil sa kanyang pamumuno sa Nejd, binabaybay ding NedjNedjNedjNedjNedjNedjNedjNedjit ang tawag sa kabuoan ng gitnang Arabya. Noong 1926, nasakop ni Ibn Saud ang Hejaz, ang tawag sa dalampasigan ng Dagat na Pula. Noong 1932, ipinahayag niya na pinag-iisa niya ang kanyang mga lupain bilang isang kaharian na nasa ilalim ng pangalang Saudi Arabia, na naging isang mayamang bansa pagdaka dahil sa pagmimina ng langis o petrolyo.
Explanation: