Sagot :
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Samantalang ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento