Ano ang kahulugan ng KAHALAGAHAN ?

Sagot :

Kahulugan ng Kahalagahan

Ang salitang kahalagahan ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na halaga. Ang kahulugan nito ay tumutukoy sa importansiya, kabuluhan, kapakinabangan o kasaysayan. Ito ang sumusukat o nagpapahayag ng silbi o kwenta ng isang tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Iba-iba ang kahalagahan ng bawat isa depende sa gampanin sa buhay. Sa Ingles, ito'y importance.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin sa pangungusap ang salitang kahalagahan upang mas maintindihan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • Ang kahalagahan ng tao sa mundo ay ang pangalagaan ito.

  • Malaki ang kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19 kaya naman ang lahat ay inaasahan na makiisa at magpaturok.

  • Kailangan nating iparating sa lahat ang kahalagahan ng paggalang sa opinyon ng iba upang maiwasan ang kaguluhan.

Kahulugan ng ilang salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly