Ang mga epiko ng mga bansa sa Silangang Asya ay nagkakatulad
sa konsepto at estruktura nito. Ang bawat epiko ng mga bansang ito ay
naglalahad ng kabayanihan at pagtutunggali na may kamangha-mangha at
di-kapanipaniwalang pagtatagpo. Ito ay isang kwento ng bumabayani, pagkabayani
at kabayanihan ng isang tao o mandirigma.