Ang kapaligiran kung saan tayo naninirahan o nanunuluyan ay mahalaga. Ang kapaligiran ay isa sa mga biyayang hiram natin sa Dakilang Lumikha. Ang kapaligiran din ang sumasalamin sa kung anong klaseng mga tao tayo dahil dito tayo naparirito.
Ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran ay mahalaga upang maging mas maayos, matiwasay, at malinis ang ating pamumuhay. Ang pagkakaroon ng maruming kapaligiran ay maaaring magresulta sa ilang mga negatibo bagay: 1) pagkasira ng mga likas na yaman, 2) pagkadumi ng paligid, 3) pagdami at paglala ng polusyon, 4) pagkasira ng ecosystem, at marami pang iba.
Ang ating kapaligiran ang sumasalamin din sa klase ng pag-aalaga ang ginagawa natin dito. Ang paligid ay siyang maaaring makapagbigay satin ng kabuhayan, enerhiya, silbi, tungkulin, at gawain. Kung sira ang kapaligiran, tayo ay maaaring mapahamak o malagay sa panganib.
Kung nais mo pa ng karagdagang basahin o impormasyon, maaari mong i-click ang mga link/s na ito upang direkta kang ihatid doon:
Sanaysay tungkol sa kapaligiran
https://brainly.ph/question/395738