Nagkakatulad ang mga epiko ng mga bansa sa Silangang Asya sa konsepto. Ang epiko ng bawat bansa dito ay naglalahad ng kabayanihan kung saan ang isang tao o mga tao ay nakikipagtunggali sa isang makababalaghang kaaway. Ang mga pagtatagpo sa epiko ay kadalasang kagilas-gilas at halos hindi kapanipaniwala.