Sagot :
Ang anapora at katapora ay parehong tumutukoy sa mga panghalip sa isa o higit pang pangungusap, at ginagamit ang mga ito upang hindi maulit-ulit ang pagtukoy sa isang pangngalan.
Ang ANAPORA ay mga panghalip na ginagamit sa hulihan ng pangungusap bilang panimula sa pinalitang pangalan sa unahan.
Halimbawa: Sina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio ay mga matatapang na tao. SILA ay mga magigiting na taong nakipaglaban sa mga hapon.
Ang KATAPORA naman ay mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan.
Halimbawa: ITO ay mga taong di-sakdal. Ang mga bayani ay may mga magigiting na katangian.
Para sa higit pang halimbawa, tingnan ang https://brainly.ph/question/766686