Sagot :
Answer:
PAANO MAGSURI NG MAIKLING KUWENTO?
LITERAL NA PAGSUSURI
• halos iisa lamang ang sagot
• kadalasang nasa akda ang lahat ng sagot
• pormularyo: literal = akda
TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ng
pangyayari sa kuwento
Pangunahing Tauhan
(PT)
sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento; kadalasang
kumikilos sa pagsagot ng problema
Iba Pang Tauhan
(IPT)
siya/sila ang katuwang o katunggali ng PT sa pag-indayog /
pagtakbo ng kuwento
TAGPUAN – dito naganap ang kuwento
Lugar Saan nangyari ang kuwento?
Panahon Kailan nangyari ang kuwento?
PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ng
mga tauhan / pangyayari
Pangunahing Problema
*pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba pang mga
problemang napapaloob sa kuwento
*taglay, dinadala ng pangunahing tauhan
(kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang
malaman kung sino ang pangunahing tauhan)
PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento
Pasakalye/ Simula mula sa pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad ang
problema
Simula ng Problema pinag-ugatan ng mga pagkilos ng tauhan;
kadalasan dala ng Pangunahing tauhan
Pananabik/Pataas na
aksyon
lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
magaganap upang masolusyunan ang problemang
iniikutan ng kuwento maliban sa pinakahuli
Kasukdulan/karurukan
pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
magaganap upang masolusyunan masolusyunan ang
problemang iniikutan ng kuwento
Wakas Kinalabasan, kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap
ang pinakahuling pagkilos ng PT upang solusyunan ang
problema)
PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?
Kasali
(Unang Panauhan)
“AKO”
Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong nadapa
at napaluha ako sa sakit.
Limitado / Nagmamasid lang
(Ikatlong Panauhan)
“SIYA” /” SILA” / “SI”
Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang
nadapa at napaiyak.
*isinasalaysay lamang ang bagay/pangyayaring
nakita
Mala-Diyos
(Ikatlong Panauhan)
“SIYA” /” SILA” / “SI”
Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang
nadapa, at naalala niyang bigla ang mga dating
kahihiyang naranasan niya.
*isinasalaysay hindi lamang ang nakita kundi
pati ang nararamdaman o naiisip ng mga tauhan
ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento
Kronolohikal (A, B, C,…Z)
Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…)
Daloy ng Kamalayan (P, X, N)
DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay sa akda
bukod sa wika?
- tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon
- bahagi ng kulturang Filipino na ipinakita o binanggit sa akda
(maaaring bagay, lugar, pangyayari o okasyon, kaugalian, kaisipan)
MALALIM NA PAGSUSURI
• maaaring higit sa isa ang tamang sagot bagama’t may maituturing pa ring mali
• ang mga paliwanag o patunay sa sagot ay nagmula pa rin sa akda
• bunga ito ng pinagsamang talino ng may-akda at mambabasa
• pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)
PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye
- mga nais sabihin ng may-akda ngunit hindi niya direktang sinabi
SIMBOLISMO – mga detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang mas
malaking kaisipan o ideyang napapaloob sa akda
- pormularyo: A ~ B dahil ang katangian ng/nangyari sa A ay katangian
ng/nangyari rin sa B
PAGLALAPAT – mga kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo sa totoong
buhay
- may mga pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/sa ating
lipunan/sa ibang akda/sa iba pang larangan?
- Pormularyo: A=B pero ang A ay mula sa akda, ang B ay mula sa labas ng akda
ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda
- Anu-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang
maging makatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang
kaniyang akda (bukod sa paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?)
PINAKATEMA – pinakasinasabi ng akda
- Sa isang pangungusap, anong katotohanan sa buhay ang ibinabahagi ng
kabuuan ng akda?
Explanation: