Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa likas na Batas moral upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw 3. Ang Likas na Batas Moral ay nagsisilbing patnubay sa pagpili nang tama at mabuting desisyon sa buhay. Ang pangungusap ay. A. Mali, dahil hindi lahat ng batas ay nakatutulong sa tao. B. Mali, dahil ikaw lamang ang maaaring magdesisyon sa iyong sarili. C. Tama, dahil ito ay naglalayon na ikaw ay mabuti at makaiwas sa masama. D. Wala sa mga nabanggit
Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng Kalayaan 4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tunay na pagpagpapaunlad sa paggamit ng kalayaan maliban sa: A. Mas pinili ni Juan na manatili sa kanilang bahay kahit nasa General Community Quarantine na ang kanilang lugar. B. Pinasagutan ni Maria sa iba ang kanyang modyul upang hindi siya mahirapan sa pagsasagot. C. Ang pagsunod sa health protocol ay makatutulong upang makaiwas sa Covid19. D. Binawasan ni Pedro ang paggugol ng oras sa paggamit ng selpon.
Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anuman ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihivon at iba pa 5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga sa dignidad ng tao? A. Pangmamaliit sa mga taong may kapansanan. B. Palaging pagkukumpara ng sarili sa ibang tao. C. Paggalang sa tao hangga't siya ay nabubuhay D. Pagtulong sa kapwa ng may hinihintay na kapalit.