Grade: Date: Score: A. Panuto: Tukuyin ang mga pang-uring nakasalungguhit ayon sa antas nito Isulat ang LANTAY, PAHAMBING O PASUKDOL sa patlang. Kopyahin at sagutan ito sa nyong kuwaderno. 1. Masaganang handaan ang dinatnan naming sa pista ng Sta. Cruz. 2. Ubod ng linis ang bahay ni Tita Lena. 3. Sina Yuri at Torry ay magkasingtaas na. 4. Si Dr. Yap ay mahusay sa panggagamot. 5. Napakagaling kumanta ni Angel. 6. Si Mario ay mas maitim kaysa kay Noli. 7. Puno ng yabang ang kaibigan kong si Ariel. 8. Makasaysayan ang probinsiya ng Cebu. 9. Si Jovalyn ay matalinong bata. 10. Napakasayang maglaro ng patintero sa daan.​