Impluwensya ng Simbahan Matapos ang Pagbagsak ng Roma
Pagkatapos bumagsak ng emperyong Romano, ang mga unang Kristiyanong Romano sa pamumuno ni Constantine ay patuloy na pinamahalaan ang silangang bahagi ng Roma na tinatawag na Byzantine. Sa emperyo ng Byzantine, ang simbahan ay nagkaroon ng malaking tungkulin upang ibahagi ang Kristiyanismo sa rehiyon. Noong manumbalik na ang Kristiyanismo sa Europa, at maitatag ang Holy Roman Empire sa pamumuno ni Charlemagne, nagsimula na ring lumakas ang simbahan. Sila ay nakikialam sa pagpapatakbo ng emperyo, at kailangang may basbas nila ang sinumang magnanais na maging emperador nito. Lumakas din ang impluwensya ng simbahan lalo na sa buhay ng mga mamamayan sa bawat sulok ng Europa.