1. Hindi ipinagkakalat ni Lea ang mga negatibong sinasabi ng kaniyang kaibigan sapagkat alam niya na hindi ito makatutulong sa ugnayan ng bawat isa. Anong obligasyon sa kapwa ang naisasalang-alang ni Lea?
a. Pagpapahalaga sa ugnayan b. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa c. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos d. Pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo panahon ng pamamalagi sa daigdig
2. Ayaw ni George na sundin ang payo ng kaibigan na hamunin ng away ang bagong kapitbahay. Anong obligasyon sa kapwa ang ipinakikita ni George?
a. Pagpapahalaga sa ugnayan b. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa c. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos d. Pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
3. Ano ang kahulugan ng dignidad?
a. Kahalagahan b. karapat-dapat c. kalakasan d. kapayapaan 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa?
a. Mahalin mo ang tao bilang tao. b. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapwa habang may pagkakataon. c. Tingnan mo ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya. d.Pahalagahan mo ang tao ng batay sa kung ano ang kakayahan niya.
5. . Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Ang pangungusap ay:
A. Mali. Nakasalalay ito sa ginawa ng tao para sa Diyos. B. Mali. Ang lumalapit lamang ang Kaniyang anak. C. Tama. Nilikha niya ang tao na magkakaiba ang karapatan. D. Tama. Ang Diyos ay walang kinikilingan.