Sagot :
Answer:
"Epekto ng pandemya"
Sa pagsulpot ng marahas na pademyang ito
Halos lahat ng pilipino
Ay nakadama ng panibagong mundo
Presidente na nahihirapan magsilbi sa sambayanan
At mga frontliners na nagbubuwis ng buhay para sa mga kababayan
Mga pilipino na pati trabaho ay nawalan
At mga ofw na nananabik umuwi sa bayang sinilangan
Edukasyon para sa kabataan
Ngayon ay Mahirap ng matutukan
Mga gurong nagsisilbi sa mga estudyante
Ngayon ay pagod at nahihirapan
Maraming doktor na ang nagbuwis ng buhay
Maraming nurse na rin ang biglang pumanaw at nananamlay
At libo-libo ng tinamaan ang nailibing sa hukay
Pilipino, dati ay kahirapan lang ang nais masulusyonan
Ngunit sa pagdating ng COVID19 halos lahat ay dapat ng mapag tagumpayan
Pilipinong noon lahat ay Malaya
Ngunit bakit ngayon pati sa paglabas ng bahay bawal na?
Sakit na kinatatakutan ng bawat isa
Sapagkat di ito nakikita
Sa bawat segundo, menuto, oras, araw, at Bukas
Hindi mo alam kung sinong buhay naman ang magwawakas
Napaka
delikadong sakit
Na kahit sa pag ubo ay nakakapit
Covid19,kalabang di nakikita
Ngunit nakamamatay pagtumama
Sadyang mapang api itong pandemya
Binago lahat ng sitwasyon nang siya'y nalikha
Epekto ng pandemya dapat ay masulusyonan at mawala
Pananalig kay bathala ang tanging sandata
Upang mabura lahat ng ataki ng mapang aping pandemya
Sa bawat kahapong lumilipas
At sa bawat araw na sumisikat
Tayo'y patuloy lang na umasa
Na sa darating na Bukas
Ay mayroon ng lunas
Lunas sa lahat ng epekto ng pandemya
Na siya ngayo'y sa bawat pilipino'y nagpapakaba
Bangon, pilipinas
Salubungin natin ang masiglang Bukas
Bangon,
Mga pilipinong nakadapa dahil sa matinding paghamon
Manalig tayo kay bathala
Na sana ang pandemyang ito ay lubusan ng mabura at mawala
Ipikit lamang natin ang ating mga mata
At humiling ng matagumpay na umaga
Ayan na po lods Sana makatulong