Bakit mahalagang may ambag ang mga katutubong wika sa pagbubuo ng ating wikang pambansa?​

Sagot :

Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang — isang simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang kabuluhan kung wala roon ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan. Sa papel na ito, inihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay nagbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan upang muling suriin ang wika bilang mahalagang bahagi ng pagbubuo ng ating kakanyahan.