TESTI. TAMA/MALI Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay di-wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ikaw ay nakakaranas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay pinapayagan kang pumasok sa trabaho o paaralan.
2. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
3. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin sa buong daigdig.
4. Ang breast ironing o breast flattening ay nagaganap lamang sa bansang Cameroon
5. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba't ibang kultura at lipunan sa daigdig.