Pagsasanay 1 Panuto: Kilalanin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap. Salungguhitan ang mga ito. 1. Pabiglang isinara ni Arnold ang pinto. 2. Nakita ko ang pera sa ilalim ng mesa. 3. Dahan-dahan niyang kinagat ang mansanas 4. Natulog si Paolo rito. 5. Gabi na namang dumating si Tatay 6. Mabilis maglinis ng bakuran ang mga anak ni Mang Rey. 7. Ngayon magdiriwang ng kaarawan ang anak ni Mang Kanor. 8. Kami ay magkikita sa paaralan. 9. Magbabakasyon sila sa Baguio. 10. Naliligayahang umalis ang kaniyang ama.