1.alin sa mga sumusunod ang hindi makukuha sa pagtatanim ng halamang ornamental?
A.mapagkakakitaan C.magpapaganda ng kapaligiran
B.magbibigay ng liwanag D.maglilinis ng maruming hangin

2.alin sa mga sumusunod ang pwedeng i-marcot?
A.gabi C.san francisco
B.kalabasa D.wave of love

3.bago mo pa lamang itinanim ang mga punla. ano ang iyong gagawin upang hindi ito mamatay?
A.diligan ito araw-araw
B.lakasan ang pagbuhos ng tubig tuwng nagdidilig
C.bungkalin oras-oras ang lupa sa paligid ng halaman
D.bunutin ang mga damo sa paligid ng tanim buong araw

4.alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga halamang namumulak?
A.adelfa B.orchids C.santan D.snake plant

5.mahalaga bang gumawa ng talaan ng puhunan at ginastos? bakit?
A.oo, upang ikaw ay kikita
B.oo, upang makita mo kung ikaw ay nalulugi o kumikita
C.hindi, upang hindi tayo mapagod at masayang ang oras
D.hindi, upang mas madaling ibenta ang mga halamang ornamental

6.kailangan ang masusing paghahanda sa pagtatanim upang:
A.mabilis lumaki ang halaman
B.maisakataparan ang proyekto ng wasto
C.mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito
D.maibenta kaagad ang mga produkto