Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginamit bilang pang-uri o pang-abay.
1. __________Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
__________Matulin tumakbo ang kabayong itim.
2. ________Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
________Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
3. ________Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng mga kababalaghan
_________Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa mga kababalaghan
4. ________Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.
________Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.
5. ________Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi Arabia.
_________Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia
6. _________Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.
_________Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto.
7. _________Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang bubong.
_________Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali para sa magkapatid.
8. _________Ang buhay ng mag anak na Santos sa probinsiya ay maginhawa.
__________Ang mag-anak na Santos ay maginhawaing namumuhay sa probinsiya
9. ___________Magalang ang bata sa kanyang guro.
___________Magalang niyang binati ang kanyang guro.
10. __________Mahusay bumigkas ng tula si Roy.
__________Si Roy ay mahusay sa pagbigkas ng tula.​


Isulat Sa Patlang Kung Ang Salitang May Salungguhit Ay Ginamit Bilang Panguri O Pangabay1 Ang Tumatakbong Kabayong Itim Ay Matulin Matulin Tumakbo Ang Kabayong class=