Sagot :
Answer:
PANDEMYA
Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito
Sa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo
Sa bawat pagtakbo ng oras
dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala
iyan and dala-dala ng madla
Sa bawat paglabas ng tahanan
dala-dala ang pangamba
dahil baka pag-uwi mo ng tahanan
nahawaan ka na pala
Ang birus, na isang matinding kalaban
mabagsik, nakapangingilabot
hindi makita, hindi sigurado
ito ang kalabang maaari kang matalo
Bangon, inang bayan
bangon kababayan
mga katagang paulit-ulit nating sasambitin
nang walang pag-aalinlangan