Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang Tama kung ang mga pangungusap ay nagsasaad ng tamang konsepto at Mali kung ito ay taliwas.

1. Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba.

2. Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem).

3. Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay isang damdamin, at hinde isang pasiya dahil ito ay nangangailangan ng malinaw na hangarin.

4. Likas sa isang tao ang maghanap ng taong makakaugnayan dahil siya ay panlipunang nilalang.

5. Kaya ng tao na makabuo ng ugnayan sa lahat ng taong kaniyang nakakasalamuha at ito ay maaari niyang maging kaibigan.

6. Ayon kay Aristotle ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila.

7. Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.

8. May mga mag-aaral na kinakaibigan ang kaniyang kapwa magaaral dahil sa angkin nitong kasipagan at kabutihan na siya ay tulungan sa paggawa ng mga takdang-aralin at proyekto (kung minsan nga ay pati na pagpapakopyasa mga nagsusulit. ​