Isang uri ng pamahalaan na pinamunuan ng isang mamamayan o sibilyan.

Sagot :

Answer:

8 Uri ng Pamahalaan

1. Monarkiya-  ito ay pinamumunuan ng isang hari, reyna o emperador.

2. Aristokrasya- Ang kapangyarihang mamuno sa pamahalaang ito ay nasa iilang tao lamang.

3. Diktatoryal- Ang kapangyarihang mamahala sa pamahalaang ito ay nasa isang tao lamang.

4. Totalitaryan- Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan  ng isang pangkat ng tao lamang.

5. Demokrasya- Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa mga mamamayan.

6. Awtoritarismo- Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa iisang tao o maliit na grupo.

7. Oligarya- Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay hawak ng maliit na grupo ng tao o one party rule.

8. Republika- Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa isang tao na inihalal ng mga mamamayan.

Explanation:

Ano ang Pamahalaan?

Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas para sa kanyang nasasakupan. Sila ang nagbibigay ng mga pangangailangan at nagpapasya para sa kanilang mga mamamayan.

Ang terminong "pamahalaan" ay nag-ugat mula sa salitang “bahala”  na may kahulugang “pag-aako o responsabilidad", na dinagdagan ng mga panlaping pang- at -an.

Tatlong Sangay ng Pamahalaan

1. Lehislatibo o Tagapagbatas.

Ang sangay ng tagapagbatas ang gumagawa ng mga batas ng bansa.

Nagsasagawa sila ng mga pananaliksik at mga imbestigasyon para sa kanilang mga gagawing batas.

Dumadaan din sa pagsusuri ng sangay ng tagapagbatas ang pambansang badget.

2. Ehukatibo o Tagapagpaganap

Tinitiyak na ang mga batas na ginagawa ng Kongreso ay naipatutupad.

Ang pangulo ng bansa ang namumuno dito.

Kaagapay ng pangulo sa pagpapatupad ng mga batas ang Gabinete.

3. Hudikatura o Tagapaghukom

Nagbibigay ng interpretasyon sa batas.

Nasa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman o korte Suprema at mababang hukuman.

Sa Korte Suprema dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mabababang hukuman, maging ang dalawang sangay ng pamahalaan kung may tanong tungkol sa legalidad ng batas.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga sangay ng pamahalaan, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit mahalaga ang paghihiwalay ng kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan: brainly.ph/question/2035413

Kahalagahan ng Pamahalaan

1. Nagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan ang isang bansa.

2. May tutulong sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

3. Bumubuo ang pamahalaan ng mga programa sa iba-ibang larangan.

4. Tumutulong sa panahon ng mga kalamidad.

5. Nagkakaroon ng ugnayang diplomatiko sa ibang bansa.

6. Pinapangalagaan ang bansa laban sa mga dayuhang masasama o gumagawa ng labag sa batas.

7. Pinipigilan ang pang-aapi sa sinuman at binibigyan ng pantay na na karapatan ang bawat isa.

8. Tinataguyod ang kaunlaran ng bansa.

9. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

10. Pagpapagawa ng mga imprastraktura gaya ng  mga tulay, daan at marami pang iba.

11. Tumutulong sa panahon ng mga kalamidad.

12. Tinitiyak din ng pamahalaan na ang karapatan ng mga mamamayan ay napangangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangka- lusugan, pangkultura, pansibil, at pampolitika.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang uri ng pamahalaan sa asya?:brainly.ph/question/324956