Answer:
Ang mga Elemnto ng Sanaysay ay ang mga sumusunod:
1. Tema at Nilalaman - tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura - maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari
3. Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
4. Wika at Istilo - mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
5. Larawan ng Buhay - masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda
6. Damdamin - naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan
7. Himig - naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin
Explanation: