Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng paghahambing sa iyong sarili noon at ngayon. Bubuo ka ng isang talata na naghahambing tungkol sa iyong sarili - pagkakaiba at pagkakatulad. Gumamit ng mga pahayag o salita na GAYA NG, PAREHO, KAPWA TULAD NG AT GAYA NG, sa paghahambing nga magkatulad na katangian. Gayundin ang mga panlaping ka-sing, kasing, magsing at magkasing. Sa paghahambing naman ng hindi magkatulad na katangian maaring gamitin ang mga pahayag na 'DI GAANO, 'DI GASINO, 'DI HAMAK, 'DI GAYA/TULAD at HIGIT/MAS.