bakit mahalaga ang pagsasaling wika​

Sagot :

Answer:

Malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa. Pinag-aralan ng mga Kastila ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang pananampalataya. Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa Ang mga propagandista na palibhasa’y aral sa wikang Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t ang kanilang mga akda ay kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa Pilipinas upang lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at kaisipan. Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig upang makapangaliw sa mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Nagamit nang panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na naghahari sa mamamayan. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya Kung nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika, agham at teknolohiya. Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito. Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga Filipino ang mga aklat, pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa agham at teknolohiya.

Explanation:

hope it helps hope it helpx