Ito ay uri ng tayutay kung saan ito ay ginagamitan ito ng pandiwa sa pangungusap. Kilala rin ito bilang personification sa wikang ingles.​

Sagot :

Answer:

Personipikasyon o pagbibigay-katauhan o pagsasatao - ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Personification ito sa Ingles.

Halimbawa: Nilamon ng daluyong ang mga kabahayan.