A. Panuto: Sagutin ng TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay may katotohanan at MALI kung wala katotohanan 1. Landscape painting ang tawag sa mga likhang-sining na nagpapakita ng mga likas na tanawin 2. Nagiging kaakit akit ang isang painting kapag pinagtutuunan ng pansin ang wastong kumbinasyon ng kulay. 3. Mahalagang matutunan ang pagkakaayos ng mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis upang makagawa ng obra maestrang painting 4. Sa pagguhit o pagpipinta ng isang landscape painting gamit ang imahinasyon, hinahati ang isang larawan sa foreground, middle ground at at background. 5. Kadalasan ang mga bagay sa background ay nasa likod at kadalasan ay malalaki 6. Ang mga bagay naman sa middle ground ay nasa katamtamang laki at ito ay nasa gina ng foreground at background. 7. Ang pagpipinta ay isa ring paraan upang maipahayag ang saloobin at damdamin 8. Ang mga pintor ay may kanya kanyang istilo at angking talino sa pagpipinta upang maging kaaya-aya ang kanilang obra, 9. Ang paggamit ng kumbinasyon ng kulay sa pagpipinta ay nakakasira sa istilo at istratehiya ng mga pintor​