Answer:
Pamahalaan ng sinaunang Pilipino:
Barangay ang tawag sa sinaunang pamahalaan ng mga pilipino kung saan Datu ang tawag sa pinuno ng barangay, Raja o Lakan naman ang namumuno sa higit na malaking barangay
Pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol:
Pamahalaang sentral at lokal ang tawag sa pamahalaang kolonyal kapalit ng barangay noong unang panahon. Gobernador heneral ang kinatawang hari ng Pilipinas.
Pagkakatulad ng Pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino at Pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol:
-sinusunod ng mga mamamayan
-mga lalaki lamang ang may kapangyarihang mamuno sa lipunan
-may mga pinunong sinusunod at dapat ginagalang