Kabilang sa pangkat ang mga principalia, ito ang mga inapo ng mga datu, maharlika at mayayamang hacendero o may-ari ng lupa at mga pinuno ng pamahalaang lokal. Pinagkalooban ang pangkat na ito ng maraming karapatang panlipunan at pampolitika kabilang ang karapatang bumoto sa halalan, humawak ng tungkulin sa pamahalaang lokal at malibre sa polo y servicio o sapilitang pagpapagawa.