Sagot :
Answer:
Ang badminton ay isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin ng dalawang magkalabang manlalaro (isahan) o kaya ng dalawang magkalabang pares (paresan), kung saan sakop ng isang manlalaro o pares ng manlalaro ang kalahati ng isang parisukat na palaruan. Ito ay paghihiwalayin ng isang lambat (net). Ang isang panig ay makakapagkamit ng puntos sa pamamagitan ng paghataw ng shuttlecock gamit ang raketa, patawirin sa ibabaw ng net at pabagsakin ito sa sahig ng kalabang panig. Ang isang rally ay natatapos kapag ang shuttlecock ay bumagsak sa sahig, at ito ay kailangang paluin ng isang (1) beses lamang ng bawat panig bago ito lumagpas sa net.