Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na sinalungguhitan
ay pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o
PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
______1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dionisia.
______2. Naglalaba ng mga damit si Aling Marga araw-araw.
______3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
______4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
______5. Si Ate Linda ay naghahanda ng almusal sa kusina.
______6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lovie.
______7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
______8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
______9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
______10. Dali-daling tumakbo si Alyana sa kanyang inay.