Answer:
Noon, ang mga kasuotan ng mga tao lalo na ang mga kabataan ay masasabing konserbatibo. Kung noon ang damit ay pahabaan, ngayon naman ito ay paikliian. Hindi sila noon nagsusuot ng maiikling damit. Malaki ang respeto nila sa kanilang sarili. Noon, kahit simpleng damit lang ay pwede nang ipang-alis, pero ngayon, ang mga kabataan pag umaalis, kailangan naka "OOTD" (outfit of the day). Noon, natatakot ang mga kabataan magsuot ng damit na makikita ng matatanda ang kanilang balat o parte ng katawan dahil ito ay nagpapakita ng hindi maganda sa paningin nila. Nais nilang pahalagahan ang kanilang pagiging babae. Ngayon ang kabataan ay palaging nakasunod sa uso o makabagong pananamit. Hindi nila iniisip kung ito ba ay maganda sa kanila at sa paningin ng iba basta nakasunod sila sa kung ano ang uso.
Kailangan nating matutunan ang kahalagan ng pagsusuot ng maayos na damit para tayo rin ay irespeto ng iba.
Explanation:
#HOPEITHELP
#CARRYONLEARNING