Pangwakas Mula sa mga isinagawang gawain ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang matanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang mahinahong pagtanggap sa mga ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin ng kapwa at higit na maunawaan ang sarili.