Tapos na ang talakayan. Ngayon palalimin pa ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng
pagsagot sa susunod na gawain.
Gawain 4: Pagsusuri sa Kaso
Suriin ang sumusunod na artikulo. Sagutin ang mga pamprosesong mga tanong
matapos itong basahin.
Kontrata ng mga Migranteng Manggagawa sa Gitnang Silangan
Noong 1973, ang migrasyon ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang bansa sa
Asya patungong Gitnang Silangan ay mabilis na umunlad dahil sa pagtaas ng presyo
ng langis. Ang pag-angkat ng mga manggagawa ng bansang mayaman sa langis ay
mula pa sa bansang India at Pakistan, sinundan ito ng mga manggagawang galing sa
Pilipinas, Indonesia, Thailand at Korea, at sa huli ay ang mga taga-Bangladesh at Sri
Lanka. Noong dekada 70, karaniwang mga kalalakihan ang mga tinatanggap na
magtrabaho ng manwal sa mga proyektong konstruksyon. Ang pamahalaan ng mga
bansa tulad ng India, Pakistan at Pilipinas ay aktibo sa pagpapadala ng mga
manggagawa at bumuo ng mga kasunduan sa bansang nasa Gitnang Silangan.
Hinimok din ang mga kompanyang konstruksyon ng Korea na makipagsundo na may
kontrata sa mga bansang Arab, kasama na ang mga probisyon nito para sa mga
manggagawa. Ang mga pribadong ahensiya ay pinayagan ng mga bansang
nagpapadala ng mga manggagawa upang maorganisa nga pag-recruit (Abella, 1995).
Bandang 1985, may 3.2 milyong manggagawang Asyano sa mga estadong nasa
Golpo, subalit naganap ang pananakop ng Iraq sa Kuwait at Digmaang Golpo noong
1990-1991 na siyang dahilan ng pagpapauwi ng mga nasa 450,000 na manggagawa
sa kani-kanilang sariling bansa.
Sa 1985 pa rin, pansamantalang nanghina ang sektor ng konstruksyon ngunit
hinimok ang iba’t ibang kontraktuwal na manggagawa na magtrabaho, partikular na
sa sektor ng serbisyo. Tumaas ang demand para mga domestic worker, nars, mga
sales staff, at iba pang nasa sektor ng serbisyo, dahil dito nagsimula ang
peminisasyon ng mga manggagawa, at ang mga karaniwang kinukuha ay mula sa Sri
Lanka at Indonesia. Pagkaraan ng ilang taon, ang iba pang bansa sa Gitnang
Silangan tulad ng Lebanon, Jordan at Israel ay nagbukas na din sa pag-angkat ng
mga manggagawa (Asis, 2008).
Ang mga mangagawang kababaihan ay lubos na pinagsasamantalahan sa
pamamagitan ng eksploytasyon at sekswal na pang-aabuso, at nahihirap ang kani-
kanilang bansa na bigyan sila ng proteksyon (Gamburd, 2005). Ang migrasyong
Asyano sa Gitnang Asya sa nagiging iba na sa paglipas ng panahon. Samantala, ang
ibang migrante ay nanatili bilang mga manggagawang may mababang kasanayan,
ang iba naman ay may kaunting kasanayan tulad ng mga drayber, mekaniko, at iba
pa. Ang iba naman ay mga propesyonal tulad ng mga inhinyero, nars at mga may
kasanayang medikal.
11
Karamihan din sa mga nangangasiwa at teknikal na posisyon ay nakukuha ng
mga Asyano ngunit tinuturing pa rin silang pangalawa dahil sa pangunguna ng mga
tauhan ng mga kompanya na galing ng Europa at Hilagang Amerika. Sa kabilang
banda naman, may mga migranteng manggagawang Asyano na hindi bahagi ng
walang trabaho sa mga pook rural at urban sa kanilang bansa, ngunit sila ay may
sapat na pinag-aralan, na sa paglisan nila sa kanilang bansa ay magkakaroon ng
masamang epekto sa kanilang ekonomiya (Skeldon, 1992).
Ang mga Asyano naman sa bansang Arab ay nagkakaroon ng mahirap na
kondisyon sa kadahilanang walang sapat na karapatan ng mga manggagawa at
pagkakaiba ng kinalakihang kultura. Ang mga manggagawa ito ay hindi pinapayagan
na tumira at dalhin ang kanilang mga kapamilya, at kinakailangan pang hiwalay ang
titirhan. Ang iba pa nga kanila ay hindi na nahahawakan ang kanilang pasaporte dahil
hawak na ito ng kanilang mga amo at minsan pa ay ikinakalakal na sila sa mga illegal
na aktibidad. Dahil dito, maaaring silang ipatapon sa kanilang maling nagawa, kahit
na labis-labis na ang kanilang pagtatrabaho. Marami pa sa kanila ang
pinagsasamantalahan ng mga ahensiya na kumukuha ng mataas na bayad (umaabot
ng 25 bahagdan ng kanilang sahod) at kadalasan ay nabibigo sa mga pinangako sa
kanila na pagbibigay ng tapat na trabaho (The Age of Migration, page 130-132).
Halaw sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10 ng DepEd (2017)
Isinalin sa Filipino ni Bb. Kiara Kate A. dela Cruz
Pamprosesong mga Tanong: Ilagay ang iyong mga kasagutan sa papel.
1. Punan ang dayagram sa ibaba ng mga alternatibong solusyon sa lahat ng mga suliraning
nakaakibat sa artikulo. Sundin lamang ang format.
2. Bakit kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang mga manggagawa mula
Timog at Timog-Silangang Asya?
3. Bakit sa taong 1985 ay kinailangan ang mga babaeng manggagawa sa Timog-Kanlurang
Asya?
4. Mayroon bang diskriminasiyong nararanasan ang mga manggagawang Asyano kung
ihahambing sa mga propesyonal mula sa Europa at Hilagang Amerika? Ipaliwanag ang
sagot.
5. Ano ang masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ ng isang bansa?