Sagot :
KARAPATAN SA PAGBOTO
Answer:
Mapapangalagaan ang karapatan sa panahon ng halalan sa pamamagitan ng hindi pagpabili ng ating mga boto. Sundin kung ano ang nasa ating puso. Huwag basta na maniwala sa tao dahil lahat ay gagawin ng iba upang makuha ang boto ng marami. Karapatan natin ang pumili ng ating nais na maluklok sa posisyon, may kanya kanya tayong mga paniniwala at pananaw kung sino ang dapat na maupo sa posisyon ng gobyerno. Huwag nating hayaang pati ang ating boto ay mabili ng iba. Ipaglaban ang ating karapatang pumili at huwag sumunod sa sasabihin ng mga tao. Nakasalalay sa ating pag boto ang pag unlad ng ating bansa. Kaya dapat ay pangalagaan at pahalagahan ang karapatang pag boto sa darating na halalan.
Ano ang kahulugan ng halalan
brainly.ph/question/249340
#LETSSTUDY