May COVID-19 si Tintin lahat ng nais sa na Si Tintin ay isang masayahin, kikay, pilya at makulit na bata. Siya ay nag- iisang anak nina Mang Pedro at Aling Theodora. Mahal na mahal nila si Tintin kaya binibigay nila ng kanilang anak. Palaging abala pagtatrabaho ang mag-asawa kaya naiiwang mag-isa si Tintin sa kanilang bahay. Nakasanayan ni Tintin pinagbabawalan na ni Aling Theodora ang anak ay pumupuslit pa rin ito at ang makipaglaro sa kapitbahay, minsan kahit pumupunta sa mga kaibigan at nakikipaglaro. Dumating ang hindi inaasahang banta ng pandemya na ikinatakot ng lahat. Dahil dito, lubos ang pangamba ng mag-asawang Pedro at Theodora sa kanilang kaligtasan lalo na't naririnig nila sa balita na ang COVID-19 daw ay nakamamatay. Sa sobrang takot at pangamba ay pinagbawalan ni Aling Theodora ang anak na lumabas ng bahay. Ikinalungkot ito ni Tintin. Sinabihan din nila ang anak na kung dudungaw sa bintana ay magsuot ng face mask. Pinaalalahanan din nila ang anak na laging maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol. Ngunit sadyang pilya si Tintin, tuwing hapon kapag tulog na ang kaniyang mga magulang pumupuslit siya palabas ng kanilang bahay para lamang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. "Tintin, anak halika na lumabas ka na riyan sa iyong kuwarto at tayo ay kakain na,” yaya ni Aling Theodora sa anak. "Sandali lang po inay, magpapahinga lang po ako ang sakit po kasi ng ulo ko at parang nanghihina po ako," sagot ni Tintin. Biglang kinabahan si Aling Theodora sa narinig sa anak, kaya agad niya itong pinuntahan at tiningnan ang temperatura nito. Lubos ang kaniyang pangamba dahil sa may lagnat ang kaniyang anak. "Bumangon ka na riyan at magbihis pupunta tayo sa doktor patitingnan kita,” wika ng ina. Pagkatapos tingnan ng doktor si Tintin ay nirekomenda ng doktor na magpa-swab test si Tintin. Agad naman itong ginawa ni Aling Theodora. Nag- home quarantine na muna si Tintin dahil may mga sintomas siya ng sakit na COVID-19. Pagkalipas ng ilang araw ay nanlumo ang mag-asawa nang makita ang resulta ng swab test ng kanilang anak. Positibo ito sa sakit na COVID-19. Biglang may dumating na ambulansiya para kunin si Tintin at dinala sa isang quarantine facility sa kanilang bayan. Malungkot, nangangamba at natatakot man ang mag- asawa ay wala na silang magawa. Nanatili si Tintin sa quarantine facility ng mahigit sa dalawang linggo. Nagpa-swab test ulit si Tintin at naging negatibo na ang resulta kaya pinayagan na siyang umuwi sa kanilang bahay. Dahil sa mga nangyari, naunawaan ni Tintin na walang mabuting dulot ang hindi pagsunod sa magulang. Kaya naman, pagkatapos ng kaniyang karanasan, natutuhan na niyang makinig at sumunod sa kaniyang magulang. Naging masunurin, mabuti at responsableng bata na si Tintin.

need correct answer​


May COVID19 Si Tintin Lahat Ng Nais Sa Na Si Tintin Ay Isang Masayahin Kikay Pilya At Makulit Na Bata Siya Ay Nag Iisang Anak Nina Mang Pedro At Aling Theodora class=

Sagot :

Answer:

1. para sa aking ikabubuti kaya kailangan sundin and magulang

2. pag Hindi sumunod sa magulang may maaring Hindi maganda mangyari

3. Hindi pag sunod sa magulang dahil gustong gusto ko Gawin Ang Isang bagay

sana makatulong fellow grade six student

tyaka late ka na nag sagot nyan last quarter pa yan