PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang pang-uring ginamit sa pangungusap at sa tapat nito ang kayarian ng pang-uri ( Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan. )
HALIMBAWA:Ang kulit-kulit ng batang iyan kulit-kulit-inuulit
1.Masipag ang anak ni mang julio.
2.Maraming prutas ang binili ni itay para kay inay.
3.Tuwang-tuwa si nelia sa regalong bestida ng kanyang inay.
4.Taos-puso ang pasasalamat ni mayor cruz sa mga nagtitiwala sa kanyang kajayahan.
5.Dilaw na kamiseta ang suot ni paolo bago siya nawala.
6.Kumpol-kumpol na rosas ang binigay niya sa kaarawan ng kanyang ate.
7.Kahit hampas lupa ang tingin ng iba sa kanya hindi niya pinapansin.
8.Mapanukso si louie sa kanyang kapwa.
9.Maraming Pilipino ang gutom sa pagmamahal.
10.Ang mga bayaning nars ay binigyan ng masarap na pagkain.