PANUTO : Basahin ang siniping bahagi mula sa "Ang Parabula ng Mabuting Manlalako" ni Rowena Francisco Itala sa talahanayan ang bahaging naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. "Tatang, mukha po kayong nagugutom, tikman po ninyo ang aking paninda." Wika ng ikalawang tindero. "Dito po sa bayan ng Polo kilalang-kilala po ang aming putong polo dahil sa sobrang sarap nito!" Nang maubos ang pagkain ay mabilis na binunot ng matandang lalaki ang kaniyang kalupi at iniabot ang bayad sa tindero. "Huwag na po ninyong bayaran, iyan po ay natirang puto buhat sa aking pagtitinda. Huwag po kayong mag-alala hindi ko naman po ikalulugi ang ibinigay ko sa inyong puto. Itago na lamang po ninyo ang inyong pera dahil mukhang buhat pa kayo sa malayong lugar" pagmamagandang loob ng tindero. Agad naman nagpasalamat ang matanda. Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal