16.Ang relihiyon naniniwalang iisa lamang Ang dios na Allah at si Muhammad Ang kanilang propeta​

Sagot :

Answer:

ISLAM

Explanation:

Ang relihiyong Islam ay bumabatay sa nag-iisang pundasyon ng paniniwala, iyon ay ang walang diyos maliban sa Diyos (Allah). Kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam o ang isang Muslim nais magbalik-loob o pagtibayin ang kanyang pananampalataya, sasabihin nila ang kanilang paniniwala na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah at si Muhammad ay ang Kanyang huling sugo. Ang paniniwala sa Diyos ay ang una sa anim na haligi ng pananampalataya.

Ang mga Muslim ay naniniwala na mayroong nag-iisang Diyos lamang. Siya lamang ang Taga-Panustos at Tagapaglikha ng sansinukob. Siya ay walang mga katambal, anak, o kasamahan. Siya ang Pinaka Mahabagin, Pinaka Marunong, at Pinaka Makatarungan. Siya ang nakaririnig ng lahat, nakakakita ng lahat, at ang nakaaalam ng lahat. Siya ang Una, Siya ang Huli.

hope this helps

love lots!

#CarryOnLearning