Answer:
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na ginagamit sa pangungusap at uriin kung ito ba ay pamaraan, panlunan at pamanahon. 1. Totoong mabagal maglakad ang pagong. 2. Maglalagay ako ng duyang uway sa ilalim ng puno. 3. Padalus-dalos magdesisyon si Ashley sa kanyang kinakaharap na suliranin. 4. Mataimtim na inawit ng mga mag-aaral ang Lupang Hinirang 5. Palikwad-likwad na lumakad ang pato 6. Dinadalaw gabi-gabi ng masamang panaginip si Lito. 7. Mabagal tumakbo ang oras kapag mal hinihintay ka. 8. Naglaro sila sa bakuran ng paaralan. 9. Dahan-dahang binuksan ng lola ang pinto. 10. Dumating kahapon ang tatay.