Sagot :
Answer:
Answer:
Pagkakaiba ng Mito, Alamat, at Kuwentong bayan
Kwentong bayan
Ang kwentong bayan ay isang akdang pampanitikan na likhang-isip ng tao at kapupulutan ng maraming aral at mensahe. Ito ay malayang nagsasalaysay ng mga paniniwala, tradisyon, kultura at kaugalian ng isang komunidad o lugar.
Alamat
Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang sa kasalukuyan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahinasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat.
Ang alamat ay may kasamang katotohanan sa kwento gaya ng pangunaing tauhan. Ang mga alamat ay kadalasang tungkol sa mga gawaing kabayanihan ngunit kung minsan naman ay tungkol sa kasamaan na may aral na ipinahihiwatig sa tao. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.
Mito
Ang mito ay mga kuwentong bayan na kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga tao patungkol rin ito sa mga diyos at diyosa.
Pagkakatulad ng Mito, Alamat, at Kuwentong bayan
Ang mito, alamat at kwentong bayan ay mga akdang pampanitikan na hindi makatotohanan, isang kathang isip lamang at base sa mga malikhaing imahinasyon ng mga tao.
Explanation:
#LetStudy sana po makatulong.