Answer:
Ang dignidad ng isang tao ay tumutukoy sa nararapat na paggalang at pagpapahalaga na dapat ibigay sa isang tao.
Maipapakita ang pagpapahalaga sa dignidad sa pamamgitan ng:
1. Laging isaisip na bawat tao ay may iba-ibang ugali, gawi at pinaniniwalaan kaya nararapat lamang na sila ay igalang. Kung ito ay aking laging naisasabuhay ay maiiwasan ang hindi pagkakaunawan at ang pagkakagulo.
2. Kung gusto kong ako ay igalang ng ibang tao, dapat ay aking igalang muna ang aking sarili. Gaya na lamang ng paano ako manamit, paano ako magsalita at maging paano ako makitungo sa ibang tao.
3. Iiwasan ko ang paggawa ng mali lalo na ang mga bagay na makakasira sa aking sarili. Tulad ng pagbibisyo, pakikipag-away, at paggawa ng mga bagay na maaring makasakit at makasira ng ibang tao.
#BRAINLYEVERYDAY