Answer:
Buod ng Alamat ng Banahaw
Mayroong bundok sa gitna ng pulong Luzon na hindi pa kilala ito ay ang Mt. Banahaw. Maraming tahanan ang naktayo sa paanan ng bundok. Doon ay nakatira ang mag-asawang sina Lukban at Bayabas. Nag-iisa ang kanilang anak na si Limbas. Magaling ito mangaso at iba pa kaya siya ay hinangaan ng mga tao. Isang araw nawala si Limbas, grabe ang pag-aalala ng mag-asawa. Nang ika-pitong araw bumalik si Limbas na may dalang sari-saring damit at pagkain. Nakwento niya na may nakilala siyang matandang lalaki sa kanyang paglalakbay. Hindi pa nakakita ng ganun ang kanyang mga magulang. Ang tanging bilin lang ng matanda ay humalik muna bago ibigay ang kanyang dala. Isang araw may dalang bolang ginto si Limbas, nakalimutan niyang humalik sa kanyang magulang kaya ang resulta ay isang dahon ng Anahaw. Napasigaw si Limbas na Ba anahaw Ba anahaw. At doon nagmula ang salitang Banahaw.